AppleGirl

Last day, may pinakita sa akin na video tungkol sa isang babaeng chinita na ang tawag sa sarili ay applegirl. In fairness cute si applegirl at crush ko siya hehe…anyway sa una wala akong idea kung ano yung pinagsasabi niya sa video basta ang alam ko lam pinagpipindot niya yung iphone niya para makagawa ng beat. Then parang nagtuturo siya tungkol sa chords and beatings gamit yung iphone niya kaso di ko siya maintindihan kasi nga korean sinasabi niya (konti lang naiintindihan ko eh).
  
So after niya magpipindot sabi nitong si applegirl kakanta daw siya ng irreplaceable ni Beyonce. So ayun nakastand-by pa rin ako sa mangyayari, tapos bigla niya pinagpipindot ulit yung iphone niya then sabay birit ng “to the left, to the left” napangiti ako kasi ang ganda ng boses niya. Pwede na siyang maging professional singer. Complete package, beauty, talent and charisma. Bigla nga ko nainlove sa kanya.
 
By the way, ang pangalan ng Koreanang bagong youtube sensation is Kim Yeo Hui. Hindi na ako magtataka kung biglang sumikat yung girl na toh like Marie Digby and Charice Pempengco kasi talentado siya at super unique yung ginagawa niya. Wala naman masamang sumikat gamit ang mga websites as long as wala kang ginagawang masama at siyempre kaya mo pangatawanan yung ginagawa mo.
 
So in short, naadict ako kay applegirl at siyempre dahil naadict ako sa kanya nagsearch ako tungkol sa kanya hanggang sa nakita ko yung second video na poker face. So ayun stand-by na naman ako sa gagawin niya. Sa umpisa as usual kinakalikot niya na naman ang kanyang mahiwagang iphone. Di ako naboboring pakinggan at panoorin ang babaeng ‘toh, ewan ko nga ba ang lakas ng dating niya sakin. Anyway balik tayo dun sa ginagawa niya, so after niya mag-explain in English na kumanta siya ng Poker Face, putsa na pa-poker face na rin ako sa gaing niya. Bilib ako sa kanya sobrah. Two thumbs up at bow down ako sa talent niya. Nakakabitin lang kasi hindi buo yung mga song niya, sana next time full song na applegirl ha!
 
Eto pala yung link para mapanood niyo siya. Watch and be amaze!
Mahal ko na si Applegirl….

Pang-umagang Tao na Ulit Ako

 

 

You heard me right. Dati-rati laging gabi yung pasok ko, ikaw ba naman maging Call Center Boy aka Callboy for short hehehe…Nasanay na ko na tulog ako sa umaga at bukas ang mga mata at litaw ang pangil ko sa gabi. Maraming iba pag gabi ang pasok ko. Andyan yung malamig at hindi ganun kainit yung hangin, hindi ko pansin ang alikabok sa daan, walang traffic at marami kang kaibigan at kasamang dadatnan sa office.
  
No choice ako, pang-umaga ang shift. From 6am up to 3pm hellish hot hour. Di na ko sanay gumising sa umaga. Lagi ako nag-seset ng alarm sa umaga at take note highest volume na yung alarm ah, pero wala rin gigising sandali tapos papatayin din yung alarm. Naranasan mo na ba yung tipong gumising ka na tapos sabi mo sa sarili mo 5minutes pa, hanggang yung 5minutes mo naging 1hour na. Pag tayo mo ng oras na yun late ka na sa trabaho. Ang ayoko pa sa ganitong schedule, hindi ako makakain ng marami, yup kahit payar ako hilig ko ang pagkain. Ewan ko nga ba bakit ganito, basta pag gising ko kahit gaano kasarap yung pagkain ayaw tanggapin ng sikmura ko. Pag pasok kung swerte may dadaan na sasakyan sa may kanto at diretso na ko pero kung wala kailangan ko pa maglakad sa kalye hanggang makarating sa highway. Oy anong malapit lang naman, mali kayo, ang layo kaya ng highway sa bahay namin. Pagdating sa highway hingal kabayo na ko. Wala na ang porma dahil pagod na. Hirap kasi ng wala pang sariling sasakyan eh.
  
Pagdating ko sa opisina ang lamig, parang heaven. Pero pag labas ko sa hapon kulang na lang pati kaluluwa ko lutuin sa init. Pwede na ko magluto sa gitna ng kalsada. Tapos ang alikabok, prang face powder kung makadapo sa mukha mo, Akala nila wala ng bukas kung dumapo sayo, pag dating sa bahay para ka ng nakipaglaro sa harina.
 
Di rin ako agad makatulog agad, nasanay na ang munti kong katawan na gising sa gabi at tulog sa umaga (nabigla yata sa pagbabago). Late na ko makatulog tipong 12md or 1am tapos gising ako ng 4am (parang di na rin ako natulog di ba?). Pero ngayon medyo nakikisama na ang katawan ko, medyo lang ah.
 
Malungkot din pag pang-umaga, tipong halos lahat ng ka-officemate mo umuwi na ako na lang ang natira, teka napagkaisahan yata ako (kunot-noo). Wala akong kausap, naghahanap na nga ako ng multo wala pa rin. Soundtrip na lang hanggang makauwi, feeling ko nga may kalyo na tenga ko dahil sa kakasuksok ko ng earphone. Lumaki na rin siguro butas niya (tingin sa salamin).
 
Good thing lang pag umaga is hindi ako stressed kahit ganun ang nangyayari sakin. Relax yung utak ko. Good exercise na rin yung maglakad ako hanggang highway, atleast nakakatulong ako kahit papano para makabawas  sa global warming. And last, hindi ako threaten umuwi kasi umag, unlike sa gabi na medyo delikado.

 

P.S.
Uwi na ko 3pm na eh. Hahanda ko na ang kaluluwa ko sa init ng haring araw. Sana hindi ako matunaw pag labas ko ^_^.

Holy Week Na…

Ang bilis ng panahon, parang kelan lang nag-celebrate ako ng New Year, ngayon holy week na. Saan punta nyo?  Ako? As usual, dating gawi sa bahay pa rin at magmuni-muni ng mga nagawa at gagawin ko. 

Maraming tao gumigimik. Pumupunta sa beaches, resorts, bundok para mag-enjoy, kill time at magreflect. Ang iba naman umuuwi sa mga kamag-anak na matagal ng hindi nakikita at nakakasama, sabagay bakasyon nga naman. Ang iba katulad ko, prefer na sa bahay na lang, iwas gastos at gusto lang magpahinga.

Bakit nga ba may Holy Week? Ito ay bilang pag-alala sa mga nangyari kay Jesus Christ bago siya ipako sa krus at umakyat sa langit. Dito binigay ni God ang kanyang bugtong na anak para tubusin tayong lahat sa ating mga kasalanan. Napakalaking sacrifice ang ginawa niya para sa atin. Ipinapakita lang niya na sobra niya tayong mahal, kaya nagawa niyang hindi ipagdamot ang kanyang nag-iisang anak. Kung tayo nga agawin lang sa atin o hingin ang isa sa mga mahahalagang bagay na pinag-ipunan natin ibang usapan na di ba? Pero si God hindi eh, he love us more than himself. He can do anything for us. He can surrender everything ng walang sama ng loob at bukas palad niya pa itong ibibigay.

This Holy Week, let’s remember the true meaning of it. Let’s remember that there is a God that really and truly love us. There is a god that sacrifice he’s only begotten son for the sake of humanity. Reflect and feel his presence. Di masamang mag-enjoy at mag-relax this moment, wag lang tayong makakalimot kung bakit at ano ang ibig sabihin ng Holy Week.  Open your hearts and let his warmth and comfort enter our life. At the end of the road sa kanya pa rin tayo babalik.

Reflect and Enjoy your Holy Week guys! ^_^

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.